MSU-Sulu SHS Ipinagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa 2024
SDG: 4: Quality education | Posted by: Prof. Abubakar J. Radjuni | Posted: October 23, 2025
Upang masaksihan ang mga angking talento ng mga mag-aaral at pagyamanin ang Wikang Filipino, ang departamento ng Senior High School ng Mindanao State University Sulu ay ipinagbunyi ang Buwan ng Wika 2024 nitong huling ika-29 ng Agosto, taong 2024 sa temang “Filipino: Wikang Mapagpalaya.”
Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024 ay pinangunahan ni Prof. Nur-In Ismael Alih, ang tserman ng Departamento ng mga Wika at katuwang ni Padzmahal Jayani bilang punong tagapamahala ng pagdiriwang na ito. Sa umaga, ginanap ang mga paligsahan sa Pagsusulat ng Sanaysay at Paggawa ng Islogan at Poster sa Multi-purpose Hall, kung saan ang mga kalahok ay nagmula sa iba’t ibang baitang, pangkat, at istrand na STEM at GAS. Ang paligsahan ay nagsimula sa alas otso ng umaga at natapos sa ala onse ng umaga rin.
Sa dakong ala-una nang hapon, ipinatupad ang pormal na pagdiriwang kung saan ito ay sinimulan sa isang panalangin na pinangungunahan ni Ahmadnur U. Habibon, mag-aaral mula sa STEM 2-12 Dalton. Ito ay sinundan ng pagkanta ng pambansang awit at himno ng MSU-Sulu. Kinalaunan, opisiyal na binuksan ni Benhasher M. Mawan, mag-aaral mula sa STEM 1-12 Einstein, ang kaganapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pambungad pananalita. Sumunod naman si Bb. Kristel Joy G. Soliva, isa sa mga guro sa departamento, sa pagpapakilala ng mga hurado para sa iba’t ibang paligsahan sa hapon na iyon.
Sunod naman na pinaingay ni Bb. Nurlina M. Ahmad ang mga madla sa pagtatanghal ng mga Mutya at Ginoo na galing sa iba’t ibang baitang, pangkat, at istrand. Ang mga kalahok sa kategoryang ito ay rumampa na suot ang kanilang mga kasuotan na ginawa at binuo ng kanilang mga kaklase gamit ang mga iba’t ibang materyales na nirecyle.
Kasunod naman ang pagpakitang gilas ang mga kalahok sa mga kategoryang: Isahang pag-awit, Pangkatang Pag-awit, Sabayang Pagbigkas, at Interpretatibong Sayaw. Ang mga kalahok ay nahati sa apat na pangkat na STEM 11, STEM 12, GAS 11, at GAS 12.
Bago inanunsyo ang mga nagwagi sa iba’t ibang kategorya, kumanta sina Juna lin Samad at Alnashrif Sali, mga mag-aaral mula sa STEM 1-12, at si Alleah Celissa J. Hadjiri, mag-aaral naman mula sa GAS 1-12 bilang intermisyon sa kalagitnaan ng programa. Ginawaran din ng sertipiko ang mga hurado bilang pasasalamat sa pagbabahagi at paglalaan ng kanilang oras sa pagpili ng karapat dapat na nanalo sa nasabing paligsahan.
Samantalaa, muling ipinresenta ni Ginoong Almudzrin Arip ang mga Mutya at Ginoo habang umaawit at pagkatapos nito, sabay na inanunsyo nina Gng. Padzmahal G. Jayani at Gng. Wijra J. Samain ang mga nanalo.
https://www.facebook.com/share/p/14JR4dAtT6U/
Related Articles
Faculty (Mudzramer A. Hayudini) completed master\'s degree in IT
As part of its commitment to quality assurance and SDG 4: Quality Education, the...
Read MoreFaculty (Jonel T. Alibasa) completed master\'s degree in IT
https://www.facebook.com/share/p/17G7A8Qqx4/...
Read MoreCOLLEGE OF AGRICULTURE, PATIKUL EXTENSION CLASS HOLDS JOINT CULMINATING PROGRAM FOR ON-THE-JOB TRAINING (OJT) AND PRACTICUM STUDENTS
August 10,2024 |-The MSU-Sulu College of Agriculture, Patikul Extension Class, p...
Read MoreStrengthening Academic–Community Linkages through Courtesy Engagement for Agricultural Extension and Education
The Patikul Extension Class Coordinator, Prof. Nedzfa A. Ahajani of the MSU-Sulu...
Read MoreStrengthening Agricultural Education and Productivity through Farm Mechanization Support at MSU Sulu IFPC
August 14, 2024, the MSU Sulu College of Agriculture, through its Integrated Far...
Read More\"Integration of Organic Fertilizer Preparation in OJT Training for Sustainable Agriculture at MSU Sulu \"
JULY 17, 2024 - At the Langtad Demo Farm, OJT students of the MSU Sulu College o...
Read More